Hangin sa Looban at ang Coronavirus (COVID-19)
(Indoor Air and Coronavirus (COVID-19))
(May kaugnayan na impormasyon sa Ingles)
Ang COVID-19 ay ipinapalagay na pangunahing nakakalat sa pamamagitan ng malapit na kontak sa bawa’t isa. Gayunman, nananatili ang ilang mga pag-aatubili tungkol sa nauugnay na kahalagahan ng iba’t ibang mga paraan ng transmission ng SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). May lumalawak na katibayan na ang virus na ito ay maaaring manatili sa hangin ng mas matagal at hanggang malalayong distansya kaysa sa orihinal na naipalagay. Dagdag sa malapitang kontak sa nahawahang mga tao at mga nakontaminang surface, may posibilidad rin na kumalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng mga particle sa hangin sa mga looban na espasyo, sa ilang mga pagkakataon ay higit pa sa 2 m (halos 6 ft) na range ay hinihikayat sa mga rekumendasyon para sa social distancing. Basahin ang Science and Technical Resources related to Indoor Air and Coronavirus (COVID-19) o Indoor Air and COVID-19 Key References and Publications para sa technical na impormasyon sa wikang Ingles.
Gayunman, may mga tuwirang hakbang na magagawa para mabawasan ang posibleng transmission sa hangin ng COVID-19 at ang pagtuon sa materyal na ito ay nasa mga hakbang na iyon. Ang layout at disenyo ng isang gusali, at pati na rin ang mga namamalagi dito at ang uri ng heating, ventilation, at air conditioning (HVAC) na system, ay nakaka-apekto lahat sa posibleng pagkalat ng virus sa pamamagitan ng hangin. Kahit na ang mga improvement sa ventilation at paglilinis ng hangin ay hindi kayang mag-isa na alisin ang panganib ng galing sa hangin na transmission ng SARS-CoV-2 virus, inirerekumenda ng EPA ang mga pag-iingat para maiwasan ang posibleng transmission ng virus sa pamamagitan ng hangin. Ang mga pag-iingat na ito ay kinabibilangan ng pagpaparami ng ventilation sa hangin na galing sa labas at air filtration bilang parte ng mas malaking estratehiya na kinabibilangan ng social distancing, pagsusuot ng cloth face covering o masks, paglinis sa surface at pag-disinfect, paghuhugas ng kamay, at iba pang mga pag-iingat. Sa pamamagitan lang ng mga ito, ang mga hakbang para mabawas ang pagkakalantad sa virus sa hangin na sanhi ng COVID-19 ay hindi sapat dahil ang galing sa hangin na transmission ay hindi lang ang nag-iisang paraan ng pagkakalantad sa SARS-CoV-2 na maaaring maganap.
Ang pinakamainam na mga pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay matatagpuan sa:
- How to Protect Yourself and Others
- Cleaning and Disinfecting Your Home
- Community, Work and School: Cleaning and Disinfecting
- Use of Cloth Face Coverings to Help Slow the Spread of COVID-19
Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong na may Kaugnayan sa Hangin sa Looban at Coronavirus (COVID-19) (sa wikang Ingles)
- Indoor Air in Homes and Coronavirus (COVID-19)
- Ventilation and Coronavirus (COVID-19)
- Air Cleaners, HVAC Filters and Coronavirus (COVID-19)
- Additional Measures to Address COVID-19 in Public Indoor Spaces
- COVID-19, Wildfires, and Indoor Air Quality
- Science and Technical Resources related to Indoor Air and Coronavirus (COVID-19)
Mangyaring isama sa impormasyong ito ang pinakabagong payo mula sa estado, lokal at Triabl at pederal na ahensya.