Listahan ng Naaprubahang mga SARS-CoV-2 Surface Disinfectant Products Passes 500 ng EPA
10/21/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
EPA Press Office ([email protected])
WASHINGTON (Oktubre 21, 2020) —Inaprubahan na ngayon ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ang higit sa 500 mga surface disinfectant na produkto para gamitin laban sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na sanhi ng COVID-19. Ito ay isang mahalagang milestone para matiyak na ang mga American na kompanya, pamilya, mga paaralan, at iba pang mga organisasyon ay may maraming tools hangga’t maaari para ma-disinfect ang mga surface at protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya laban sa novel coronavirus.
“Simula sa umpisa ng coronavirus pandemic, nagsikap ang Trump Administration para matiyak na ang mga American ay may access sa ligtas, at mabisang mga surface disinfectant na produkto na magagamit laban sa novel coronavirus,” sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler. “May higit sa 500 mga produkto ngayon sa aming listahan ng mga disinfectant, ang mga American ay may maraming mga mapagpipilian na makakatulong na protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga pamilya mula sa COVID-19.”
Noong umpisa ng Marso, ipinalabas ng EPA ang pauna nitong List N: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2. Ang listahang ito ay nagsimula sa 85 mga produkto at patuloy na ina-update linggo-linggo: Ang listahan na ito ay maaaring hanapan at ayusin, may kasamang mga nakakatulong na tip kung paano gamitin ng wasto ang mga disinfectant, at nagtatampok ng mga madalas na katanungan para matiyak ang wastong paggamit sa produkto. Ang List N ng EPA ay nagkaroon ng higit sa 20 milyong mga view at nananatiling isang napakahalagang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para sa publiko.
Ang higit sa 500 na wipes, sprays at iba pang mga produkto sa List N ay inaasahan na magkakabisa laban sa SARS-CoV-2 dahil ipinapakita ang bisa ng mga ito laban sa:
- Coronavirus SARS-CoV-2.
- Isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2.
- Ibang human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2.
Kapag gumagamit ng isang disinfectant na nakarehistro sa EPA, sundin ang mga direksyon sa etiketa para sa ligtas at mabisang paggamit. Kabilang sa mga direksyon na ito, pero hindi limitado sa:
- Parating sundin ang nakasaad sa etiketa ng produkto. Kabilang dito ang pagtitiyak sa pagsunod sa oras ng kontak, na ang tagal ng panahon na ang surface ay nakikitang basa. Gumamit lang ng mga disinfectant sa mga tiniyak na concentration sa direksyon na nasa etiketa.
- Panatilihin na hindi maaabot ng mga bata ang mga disinfectant. Hindi dapat gamitin ng mga bata ang mga disinfectant. Ang mga disinfectant ay maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata kung hindi wasto ang paggamit o pagtabi.
- Gumamit lang ng fogging, at wide-area o electrostatic spraying para ilagay ang mga produkto na naka-rehistro sa EPA at nakalagay sa etiketa sa ganitong paraan. Maliban na lang kung tiyak na nakasulat sa etiketa ng pesticide ang mga direksyon sa disinfection para sa mga pamamaraan sa paglalagay o paggamit, maaaring hindi mabisa kung gamitin sa ganitong mga paraan.
- Huwag gamitin ang mga disinfectant sa balat, pagkain o mga pantakip sa mukha. Huwag ipaghalo-halo ang mga disinfectant sa iba pang mga kemikal.
Kung ang isang nakarehistro sa EPA na disinfectant na mula sa List N ay hindi available, maaaring gumamit ng diluted na household bleach para i-disinfect ang mga surface. Dapat na mainam na sundin ng mga gumagamit ang mga direksyon sa dilution ng bleach sa website ng CDC, kasabay ng mga pag-iingat.
Mangyari lang tandaan na ayon sa CDC, habang “posibile na mahawahan ng COVID-19 ang isang tao sa pamamagitan ng paghipo o paghawak sa surface o bagay na may virus at tapos ay mahawakan ang kanilang sariling bibig, ilong, o posible rin ang mga mata,” sinasabing ang pangunahing paraan ng pagkalat ng virus ay sa pagitan ng pagkakalapit sa ibang mga tao.
Para sa karagdagamg impormasyon sa EPA sa maramihang mga wika sa List N: Para sa Disinfectants para Magamit Laban sa SARS-CoV-2, bumisita sa https://www.epa.gov/lep .
Kasaysayan
Mula nang idineklara ng U.S. Department of Health Services ang coronavirus bilang isang emergency sa pampublikong kalusugan noong Enero 2020, masigasig na nagtrabaho ang EPA para matiyak na alam ng mga American at may access ang mga ito sa mabisang surface disinfectant na produkto para magamit laban sa SARS-CoV-2. Kabilang sa mga kilos na ito ang:
- Noong Enero 2020, pinagana ng EPA—sa unang pagkakataon—ang Emerging Viral Pathogens (EVP) Guidance for Antimicrobial Pesticides nito. Sa ilalim ng patnubay na ito, pinapahintulutan ng EPA ang mga manufacturer ng produkto na magbigay sa agency ng data, kahit pauna pa sa outbreak, na nagpapakitang ang mga produkto nila ay mabisa laban sa mas mahirap na patayin na mga virus.
- Noong Marso at muli noong Abril 2020,ipinatupad ng EPA ang mga pagbabago sa mga proseso nito sa regulasyon para mapahintulutan ang mga disinfectant manufacturer na makahanap ng ilang mga ingredient mula sa mga alternatibong supplier, para makatulong na matugunan ang mga pagkakagambala sa supply chain at matiyak ang patuloy na pagiging available ng mga disinfectant. Noong Marso 2020 rin, sinimulan ng EPA ang pagpapabilis sa mga pagsusumite ng claim sa EVP. Ang mga disinfectant na may claim sa EVP ay nire-review na ngayon ng 1 hanggang 2 linggo sa halip na ilang mga buwan o higit pa.
- Noong Abril, ang EPA at ang CDC ay ay nagpalabas ng joint guidance (“Guidance for Cleaning and Disinfecting Public Spaces, Workplaces, Businesses, Schools, and Homes”) para sa paglilinis at pagdi-disinfect ng mga espasyo kung saan naninirahan, nagtatrabaho at naglalaro ang mga American.
- Noong, Mayo pinalawak ng EPA ang pinabilis na pagre-review ng mga bagong produkto at mga pagbabago sa kasalukuyang mga etiketa ng produkto na kailangang i-review ang bagong efficacy data (data tungkol sa pagkabisa).
- Noong Hulyo, ipinahayag ng EPA ang unang mga produkto sa List N nito na tiyak na nasuri laban sa SARS-CoV2. Habang ang mga produktong ito ay nasa List N na, ngayon ay may karagdagang lamang ang mga ito laban sa virus na sanhi ng COVID-19 batay sa pagsusuri na isinagawa ng manufacturer at nakumpirma ng EPA. Ang total na bilang ng mga produkto sa kategoryang ito ay 56 na ngayon.
- Noong Hulyo, sinimulang pabilisin ng EPA ang mga application para maidagdag ang mga direksyon sa paggamit ng mga electrostatic sprayers sa mga produktong layon na pumatay sa SARS-CoV-2. Dumami ang interes sa Electrostatic spraying habang may emergency sa pampublikong kalusugan dahil sa pangangailangan na ma-disinfect ang malalaking espasyo sa looban (hal. mga paaralan, opisina, negosyo) o mga area na maraming mga surface.
- Noong Oktubre, pinalabas ng EPA ang draft na patnubay na nagpapahintulot sa mga kompanya sa unang pagkakataon na maipakita kung paano ang kanilang mga produkto ay may “pangmatagalan” o “residual” na bisa laban sa mga virus tulad ng SARS-CoV-2.