Mga Madalas na Tanong tungkol sa Mga Disinfectant at ang Coronavirus (COVID-19)
(Frequent Questions about Disinfectants and Coronavirus (COVID-19))
(May kaugnayan na impormasyon sa Ingles.)
TALA: Ang mga tanong sa ibaba tungkol sa disinfectant sa ibaba ay tumutukoy sa List N ng EPA: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2. Ang SARS-CoV-2 ay ang novel coronavirus na nagdudulot ng sakit na COVID-19.
Mga impormasyon ng EPA tungkol sa Coronavirus (COVID-19) sa wikang Ingles: https://www.epa.gov/coronavirus
Basahin ang List N ng EPA: EPA. Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2: https://www.epa.gov/lep/listahan-n-mga-disinfectant-na-magagamit-laban-sa-sars-cov-2
Mas maraming impormasyon tungkol sa Coronavirus (COVID-19): https://www.epa.gov/lep/tagalog-covid19
Sa pahinang ito:
I List N
- Paano nalalaman ng EPA na ang mga produkto sa List N ay gumagana laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
- Hindi ko masasabi kung ang produkto na interesado ako ay nasa listahan o hindi. Matutulungan ba ninyo ako?
- Bakit ang ilang mga produkto ay nakalista dito pero wala sa ibang mga listahan ng disinfectant na binuo ng ibang mga organisasyon?
- May tanong ako tungkol sa isang salita o prase na nasa Website ng List N. Hindi ako sigurado kung paano nakakatulong sa akin ang List N sa paglalaban sa COVID-19.
- Ano ang kahulugan ng column na “Sundin ang mga instruksyon sa disinfection at paghahanda para sa sumusunod na virus”? Bakit may mga virus na nakalista maliban pa sa human coronavirus sa column na iyon?
- Ano ang ipinapahiwatig sa column na “emerging viral pathogen claim” sa List N?
- ·Ang ilang mga produkto sa List N ay nagsasabing “Food Contact.” Ano ang kahulugan nito?
- ·Gusto kong gumamit ng isang produkto para mapatay ang SARS-CoV-2 (COVID-19) pero wala ito sa List N. Mabisa ba ito laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
II Disinfecting
- Maaari ba akong gumamit ng mga karaniwang household na substance para mapatay ang novel coronavirus?
- Paano magagamit ng maayos ng mga miyembro ng aking sambahayan ang disinfectant para ma-kontrol ang COVID-19 kung ang miyembro ng pamilya ay may asthma o may chromic respiratory na sakit?
- Ang mga disinfectant product ba ay magagamit sa mga tao?
- Mayroon ba akong magagawa para maging protektado o resistant ang surfeces sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
- Kailangan ko bang i-disinfect ang isang pampublikong espasyo tulad ng isang tindahan o paaralan. Ano ang kailangan kong alamin?
- Bakit wala sa List N ang mga ozone generator, UV lights o air purifiers? Magagamit ko ba ang mga ito o abg iba pang mga pesticidal device na pumapatay ng mga virus na nagdudulot ng COVID-19?
- Magagamit ko ba ang fogging, fumigation, wide-area, o electrostatic spraying para makatulong na ma-kontrol ang COVID-19?
- Maaari ko bang gamitin ang produkto gamit ang isang paraan na hindi tinukoy sa mga direksyon sa paggamit?
III Regulasyon
- Ano ang proseso para sa aprubasyon ng EPA sa mga disinfectant na produktong may kaugnayan sa COVID-19?
- Mayroon bang mga pagbabago sa pagrerehistro ng mga disinfectant sanhi ng COVID-19?
- Kailangan ko bang irehistro ang mga disinfectant na produkto sa EPA para ma-import ang mga ito?
- Ang EPA ba ay nagre-regulate sa mga kompanya na nangangailangan ng mga serbisyo na nag-aangkin na nagdi-disinfect sa Sars-CoV-2(COVID-19)?
- Ang EPA ba ay magsasagawa ng kilos laban sa mga kompanya na mali ang mga claim na gumagana ang kanilang mga disinfectant laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
- Ano ang isang emerging viral pathogen claim?
- Bakit hindi nakalista ang mga hand sanitizer sa List N?
- Ano ang kaibahan sa pagitan ng mga produktong nagdi-disinfect ,nagsa-sanitize at naglilinis ng mga surface?
- List N
Paano nalalaman ng EPA na ang mga produkto sa List N ay gumagana laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
Inaasahan ng EPA na ang mga produkto na nasa List N ay pumapatay sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19, dahil ang mga ito ay:
- Nagpapakita ng bisa laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19)?:
- Nagpapakita ng bisa laban sa isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19); o
- Nagpapakita ng bisa laban sa iba’t ibang human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19).
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto na nasa List N ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa o label.
Hindi ko masasabi kung ang produkto na interesado ako ay nasa listahan o hindi. Matutulungan ba ninyo ako?
Ang mga disinfectant na produkto ay maaaring ma-market at ibenta sa ilalim ng iba’t ibang mga brand at pangalan ng produkto. Para malaman kung inaasahan ng EPA ang nasabing produkto na pumapatay ng SARS-CoV-2, ang coronavirus na sanhi ng COVID-19, kailangan ninyong malaman kung ang primary registration number nito ay nasa listahan.
- Una, hanapin ang registration number sa etiketa ng produkto. Hanapin ang “EPA Reg. No.” kasunod ng dalawa o tatlong set ng mga numero.
- Kung ang registration number ng inyong produkto ay may dalawang parte (hal. 1234-12), mayroon itong primary registration number. Kung ang numero ay nasa List N, ang produkto ay kuwalipikadong gamitin laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19).
- Kung ang registration number ng inyong produkto ay may tatlong parte (hal. 1234-12-123), mayroon kayong supplemental distributor product. Ang mga produktong ito ay may parehong chemical na composition at bisa tulad ng primary products, pero madalas ay may ibang brand o pangalan ng produkto. Kung ang unang dalawang parte ng registration number nito (hal. 1234-12-
123) ay nasa List N, ang produkto ay kuwalipikadong gamitin laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). (Ang unang dalawang parte nitong registration number ay kumakatawan sa primary registration, habang ang ikatlo ay kumikilala sa numero ng kumpanya sa EPA ng distributor.) - Kayo man ay gumagamit ng primary registration product o isang supplemental distributor product, parating tiyakin na ang etiketa ng produkto ay may kasamang mga direksyon sa paggamit para sa pathogen ng List N. Halimbawa, kung ipinapahiwatig sa List N na ang produkto ay papatay sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kung sundin ninyo ang mga direksyon para sa rotavirus, tiyakin na ang etiketa ay may mga direksyon sa paggamit laban sa rotavirus.
Bakit ang ilang mga produkto ay nakalista dito pero wala sa ibang mga listahan ng disinfectant na binuo ng ibang mga organisasyon?
List N kasama lang ang primary EPA-registered na produkto. Ang iba pang mga listahan ng produkto na pumapatay sa SARS-CoV-2 (ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19) na hindi pinapamahalaan ng EPA ay maaaring makabilang ang mga alternatibong brand name at mga supplemental distributor products. Tulad nang nabanggit sa Mga Madalas na Katanungan, "Hindi ko masasabi kung ang produkto na interesado ako ay nasa listahan o hindi.Matutulungan ba ninyo ako?", dapat kayong umasa sa registration number ng EPA para makilala ang mga produktong nakalista sa List N.
May tanong ako tungkol sa isang salita o prase na nasa Website ng List N. Hindi ako sigurado kung paano nakakatulong sa akin ang List N sa paglalaban sa COVID-19.
Ang List N ay isang listahan ng mga produkto na inaasahan ng EPA na papatay sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19, kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa.
Ang lahat ng mga produkto sa listahang ito ay nakakatugon sa kriterya ng EPA para sa paggamit laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). Mga produkto na kuwalipikado para sa List N kung ang mga ito ay:
- Nagpapakita ng bisa laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19)?:
- Nagpapakita ng bisa laban sa isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19); o
- Nagpapakita ng bisa laban sa iba’t ibang human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19).
Sa ibaba ay mahahanap ninyo ang mga depinisyon ng bawat column sa List N. Ang mga ito ay nagpapaliwanag kung anong uri ng impormasyon ang binibigay ng column na ito at kung paano ito makakatulong sa inyong labanan ang SARS-CoV-2 (COVID-19).
EPA Registration Number
Ang pinakamadaling paraan para makahanap ng produkto sa list na ito ay ilagay ang unang dalawang pangkat ng EPA registration number nito sa search bar sa itaas ng mga listahan ng mga produkto.
Halimbawa, kung ang EPA Reg. No. 12345-12 ay nasa List N, maaari kayong bumili ng EPA Reg. No. 12345-12-2567 at alam na nakakakuha kayo ng katumbas ng produkto. Makikita ninyo ang numerong ito sa pamamagitan ng pagtitingin sa Reg.No. sa EPA na nasa etiketa ng produkto.
Pangalan ng Produkto
Kasama lang sa List N ang mga primary EPA registered na produkto. Ang mga produktong ito ay maaaring ma-market at mabebenta sa ibang mga pangalan ng brand na mas kilala ninyo at madalas na nakikita sa mga tindahan kaya’t inirerekumenda namin na ikumpara ang unang dalawang seksyon ng EPA registration number para mahanap ang isang produkto sa list. Mas maraming impormasyon ang available dito.
Para mapatay ang SARS-CoV-2 (COVID-19), sundin ang mga direksyon para sa pag-disinfect para sa (mga) sumusunod na pathogen.
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto sa list na ito ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa, ang mga ito man ang ipinapakita sa column na ito.
Ang pagkabisa ng produkto ay nagbabago ayon sa paggamit ninyo dito, at ang ilang mga pathogen ay mas mahirap mapatay kaysa sa iba. Dahil dito, ang mga disinfectant ay maaaring may iba’t ibang mga direksyon para sa iba't ibang mga pathogen. Para patayin ang SARS-CoV-2 (COVID-19), kailangan ninyong sundin ang mga direksyon sa package para sa pathogen na nakalista dito.
Kung ang column na ito ay may kasamang “SARS-CoV-2,” ang produkto ay nasuri laban at nagpakitang mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19).
Kung ang column na ito ay may kasamang “human coronavirus,” ang produktong ito ay napatunayang mabisa laban sa ibang human coronavirus na katulad ng SARS-COV-2 (COVID-19).
Kung ang column na ito ay nagpapakita ng isang bagay maliban sa human coronavirus o SARS-CoV-2, nangangahulugan iyon na ang produkto ay lumaban sa mas mahirap patayin na pathogen tulad ng norovirus. Kung sundin mo ang mga direksyon sa package para sa mas mahirap patayin na pathogen na ito, inaasahan ng EPA na ang produkto ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19).
Parating tiyakin na ang etiketa ng produkto ay may kasamang mga direksyon sa paggamit para sa pathogen ng List N. Halimbawa, kung ipinapahiwatig sa List N na ang produkto ay papatay sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kung sundin ninyo ang mga direksyon para sa rotavirus, tiyakin na ang etiketa ay may mga direksyon sa paggamit laban sa rotavirus.
Oras ng Kontak (minuto)
Ang oras ng kontak ay ang tagal ng panahon na dapat manatiling basa ang ginamot na surface para maging mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). Ang surface ay dapat kitang-kita na basa para sa buong itatagal ng oras ng kontak.
Uri ng Formulation
Ang column na ito ay nagkakaloob ng impormasyon kung paano ninyo malalagay ang produkto. Kapag gumagamit ng isang disinfectant na nakarehistro sa EPA, parating sundin ang mga direksyon sa etiketa ng package ng produkto.
Madi-dilute: Ang liquid na maaaring ma-dilute sa tubig
Ready-To-Use: Magagamit agad pagkakuha sa shelf
Impregnated materials: Produkto na may disinfectant na kasama (hal. toilet wand)
Fog; Mist: Maaaring gamitin bilang fog o mist
Electrostatic spray: Maaaring gamitin gamit ang isang electrostatic sprayer
Solid: Natutunaw na tablet
Vapor: Ginagamit kasama ng Vaporized Hydrogen Peroxide (VHP)generator
Wipe: Towelette pre-saturated na may disinfectant
Mga Uri ng Surface
Ang column na ito ay nagsasabi sa inyo ng mga uri ng surface na maaaring gamitin ang disinfectant (hal. non-porous na mga surfact tulad ng mga door knob o stainless steel na counter, o mga porous na surface tulad ng tela).
Hard Nonporous (HN): Gamitin sa matitigal na nonporous surfaces tulad ng mga doorknob, gripo, switch ng ilaw, at sealed wood.
Porous (P): Gamitin sa porous na mga surface tulad ng mga tela, unan, di ginamot na kahoy.
Food Contact Surfaces, Post-Rinse Required (FCR): Ginagamit sa mga surface tulad ng mga countertop, pinggan, at mga utensil sa panluto. Huwag gamitin sa pagkain. Banlawan ang surface pagkatapos gamitin ang produktong ito.
Food Contact Surfaces, No Rinse (FCNR): Ginagamit sa mga surface tulad ng mga countertop, pinggan, at mga utensil sa panluto. Huwag gamitin sa pagkain. Hindi ninyo kailangang banlawan ang surface pagkatapos gamitin ang produktong ito.
Site ng Paggagamitan
Ang column na ito ay nagsasabi sa inyo kung saan magagamit ang disinfectant:
- Pangangalagang Pangkalusugan: Ospital, dental o iba pang mga health care na pasilidad, kasama na ang mga nursing home at assisted living na facility
- Institutional: Mga paaralan, gusali ng opisina at restaurant
- Residensyal: Mga tirahan
Emerging Viral Pathogen Claim?
Ang column na ito ng List N ay nagpapakita kung kuwalipikado o hindi ang isang produkto sa emerging viral pathogen claim ng EPA.
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto sa List N ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa, ang mga ito man ay may nakasaad na oo o hindi sa column na ito.
Kung mabasa mo ang “oo”, nangagahulugan na ang produkto ay kuwalipikado para sa emerging viral pathogen claim. Para magawa ito, ang produkto ay dapat na mabisa laban sa mas mahirap patayin na mga virus kaysa sa SARS-CoV-2.
Kung mabasa mo ang “hindi”, nangagahulugan na ang produkto ay walang emerging viral pathogen claim. Ang mga ito ay napapaillaim sa tatlong category:
- Ang mga produkto na nagpapakita ng bisa laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19);
- Mga produkto na nagpapakita ng bisa laban sa isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19); o
- Ang mga produkto na nagpapakita ng bisa laban sa ibang mga human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19).
Bakit nasa List N ang produktong ito?
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto sa List N ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19) kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa.
Mga produkto na kuwalipikado para sa List N kung ang mga ito ay:
- Nagpapakita ng bisa laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19)?:
- Nagpapakita ng bisa laban sa isang pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19); o
- Nagpapakita ng bisa laban sa iba’t ibang human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19).
Ang ilang mga produkto ay nasa List N dahil mabisa ang mga ito laban sa mas mahirap na patayin na mga pathogen emerging viral pathogen (EVP) claims. Ang column na ito sa List N ay nagsasabi rin sa iyo kung ang isang produkto ay may EVP claim. Ang mga EVP claim ay nakaka-apekto sa mga uri ng pahayag na maaaring ibigay ng mga kompanya tungkol sa inaasahang pagkabisa ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng kanilang marketing, websites, at social media.
Ipinapakita sa column na ito ang mas mahirap patayin na mga pathogen kaysa sa human coronavirus. Ang mga produkto ay kuwalipikado para sa emerging viral pathogen claim sa pamamagitan ng pagpapakita na gumagana ito laban sa nakalistang mas mahirap na patayin na pathogen.
Samakatuwid, kung ang oras ng kontak para dito sa mas mahirap na patayin na virus ay nasunod, inaasahan ng EPA na ang produkto ay mas mabisa laban sa SARS-CoV-2 (ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19) sa mga surface. Maaari rin ninyong mahanap ang impormasyon ito sa etiketa ng produkto.
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto sa listahan ay mabisa laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). Para sa karagdagang impormasyon basahin ang Mga Madalas na Katanungan, "Paano nalalaman ng EPA na ang mga produkto sa List N ay gumagana laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)"
Ano ang ipinapahiwatig sa column na “emerging viral pathogen claim” sa List N?
Ang column na ito ng List N ay nagpapakita kung kuwalipikado o hindi ang isang produkto sa emerging viral pathogen claim ng EPA.
Inaasahan ng EPA na ang lahat ng mga produkto sa List N ay mabisa laban sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19, kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa, ang mga ito man ay may nakasaad na oo o hindi sa column na ito.
Kung mabasa mo ang “oo”, nangagahulugan na ang produkto ay kuwalipikado para sa emerging viral pathogen claim. Para magawa ito, ang produkto ay dapat na mabisa laban sa mas mahirap patayin na mga virus kaysa sa SARS-CoV-2.
Kung mabasa mo ang “hindi”, nangagahulugan na ang produkto ay walang emerging viral pathogen claim. Ang mga ito ay napapaillaim sa tatlong category:
- Ang mga produkto na nagpakita ng bisa laban sa coronavirus SARS-CoV-2 (COVID-19);
- Ang mga produkto na nagpakita ng bisa laban sa ibang mga human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19) ; at
- Ang mga produkto na aprubado para magamit laman sa mga piling pathogen na mas mahirap patayin kaysa sa SARS-CoV-2 (COVID-19), tulad ng norovirus o mycobacterium tuberculosis.
Ang ilang mga produkto sa List N ay nagsasabing “Food Contact.” Ano ang kahulugan nito?
List NAng List N, ang listahan ng mga disinfectant ng EPA para magamit laban sa SARS-CoV-2 (ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19), ay nagsasabi sa iyo ng mga uri ng surface kung saan ligtas ninyong magagamit ang isang disinfectant na produkto. (I-click ang kulay green na plus sign sa tabi ng numero ng rehistrasyon ng produkto at tingnan ang Uri ng Surface.)
Magagamit ninyo ang ilang mga uri ng produkto sa mga surface na may kontak sa mga pagkain, tulad ng mga dishes, mga utensil sa pagluluto, at mga countertop. Para sa mga produktong ito, ang uri ng surface sa List N ay maaaring makabilangan ng prase na “Kontak sa Pagkain.”
Minsan, ang mga direksyon ng produkto ay nangangailangan na banlawan ng gumagamit ng surface makalipas na ma-disinfect ito -- ito ay itatala sa List N bilang Food Contact Surfaces, Post-Rinse Required. Kapag hindi kinakailangang banlawan, ito ay itatala bilang Food Contact Surfaces, No Rinse. Maaari ninyong malaman kung kailangan ninyong balnawan ang surface makalipas itong ma-disinfect sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga direksyon sa etiketa ng produkto.
Gusto kong gumamit ng isang produkto para mapatay ang SARS-CoV-2 (COVID-19) pero wala ito sa List N. Mabisa ba ito laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
Una, tiyakin na ang produkto ay wala sa List N. Alamin kung paano sa pamamagitan ng pagbabalik-aral sa, "Hindi ko masasabi kung ang produkto na interesado ako ay nasa listahan o hindi. Matutulungan ba ninyo ako?"
Kung nais ninyong gumamit ng produkto na wala sa listahan namin, maghanap ng nakarehistro sa EPA na produkto na may “human coronavirus” na nakalista bilang target pathogen sa etiketa ng produkto, tapos ay hanapin ang registration number ng EPA sa etiketa para makumpirma na ang produkto ay nakarehistro sa EPA at sundin ang mga direksyon sa etiketa kapag ginagamit ito.
Ang mga produkto na may animal coronavirus na claim ay hindi karaniwang kasama sa List N dahil maaaring di available ang sapat na data para makumpirma kung ang mga produktong ito ay gagana laban sa human coronaviruses tulad ng SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.
Kung ang isang produkto ay walang EPA registration number, nangangahulugan na hindi na-review ng EPA ang anumang data kung makakapatay ang produkto ng mga public health pathogen tulad ng mga virus. Ang EPA ay hindi magdadagdag ng mga produkto sa List N na walang EPA registration number dahil walang data na nagpapakita na gagana ang mga ito at ligtas na magagamit.
Basahin ang Centers for Disease Control and Prevention's How to Protect Yourself webpage para sa mga karagdagang tip kung paano protektahan ang inyong sarili mula sa COVID-19.
II.Pagdi-disinfect
Maaari ba akong gumamit ng mga karaniwang household na substance para mapatay ang novel coronavirus?
Hindi nire-review ng EPA ang bisa ng mga karaniwang household ingredients tulad ng suka o rubbing alcohol, kaya’t hindi mapapatotohanan ng EPA kung paano gumagana ang mga ito para mapatay ang novel coronavirus. Nire-review at inirerehistro ng EPA ang mga antimicrobial pesticide, na kabilang ang surface disinfectant na mga produkto para magamit sa mga pathogen tulad ng SARS-CoV-2, ang coronavirus na sanhi ng COVID-19.
Bumisita sa website ng Center for Disease Control and Prevention (CDC)’s Coronavirus Disease (COVID-19) website para sa karagdagang impormasyon kung paano mapoprotektahan ang inyong sarili.
Paano magagamit ng maayos ng mga miyembro ng aking sambahayan ang disinfectant para ma-kontrol ang COVID-19 kung ang miyembro ng pamilya ay may asthma o may chromic respiratory na sakit?
Alam ng EPA ang mga ikinababahala ng mga taong may matagal nang kondisyon, tulad ng asthma o iba pang mga respiratory illness, na maaaring mapalala sanhi ng pagkakalantad sa mga disinfectant.
Kung nababahala kayo dito, makipag-usap sa inyong health care provider at:
- Parating sundin ang nakasulat sa etiketa — magagamit ito ng lahat. Gamitin lang mga inirerekumendang dami at sundin ang mga pamamaraan sa paggamit.
- Gumamit ng mga produktong makakapagpabawas sa inyong pagkakalantad sa paglalanghap o inhalation, tulad ng wipes o mga nabasang tuwalya, para ma-disinfect ang mga ibabaw. Ang mga opsyon na ito ay lubos na makakapagpababa sa pagkakalantad sa inhalation kumpara sa mga spray, na nagge-generate ng mga aerosol.
- Mainam na hugasan ang mga kamay makalipas na hawakan ang mga produktong ito, at makalipas ang kontak sa anumang iba pang mga surface na maaaring ma-kontamina ng COVID-19.
Ang mga disinfectant product ba ay magagamit sa mga tao?
Ang mga produktong kasama sa listahan ng mga disinfectant ng EPA na magagamit laban sa SARS-CoV-2 ay ginagamit sa mga surface, hindi sa mga tao. Mangyari lang tingnan ang ang press release na ito para sa karagdagang impormasyon: Basahin ang aming infographic kung paano gamitin ang nakarehistro sa EPA na mga disinfectant. (Sa wikang Ingles)
Ang sakit na tinatawag na COVID-19 ay sanhi ng isang virus na tinatawag na SARS-CoV-2. Ang aming website ay may listahan ng mga produkto na nakakatugon sa kriterya ng EPA para magamit laban sa SARS-CoV-2. Ia-update ng EPA ang listahang ito na may mga karagdagang produkto habang nire-review namin ang mga karagdagang data ng produkto. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang List N: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). (Sa wikang Ingles)
Mayroon ba akong magagawa para maging protektado o resistant ang surfeces sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
Nire-regulate ng EPA ang mga claim sa mga etiketa ng produkto ng pesticide. Ang mga nakarehistro sa EPA na surface disinfectant ay pumapatay sa mga virus sa oras na magamit ang mga ito. Makalipas gamitin, kung may mga bagong viral particle na maka-kontak sa surface, ang dating ginamit na disinfectant ay hindi makakapagbigay proteksyon laban sa mga bagong particle na ito.
Hindi pa tinatasa ng EPA ang bisa ng anumang mga produkto na nag-aangkin na may pangmatagalang bisa laban sa mga virus. Samakatuwid, walang mga nakarehistro sa EPA na produkto na may label claim na ang mga ito ay mabisa para sa mga virus sa loob ng ilang oras hanggang buwan (hal., “residual” o “pangmatagalang” pag-aangkin sa bisa).
May ilang mga antimicrobial pesticides na tinatawag ng EPA na materials preservatives na maaaring masama sa articles. Kilala bilang “treated articles,” ang mga plastics na ito, textile o iba pang material ay ginagamot o naglalaman ng mga material preservatives para protektahan ang article mismo mula sa mold o bacteria na maaaring magdulot ng odor (amoy), discoloration (pagbabago ng kulay) o deterioration (pagkasira).
Ang treated articles ay hindi maaaring mag-claim na mabisa ang mga ito laban sa mga virus at bacteria na sanhi ng sakit sa tao. Ito ay nangangahulugan na hindi angkop ang mga ito sa pagkokontrol ng COVID-19.
Inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na linisin ninyo ang nakontaminang mga surface gamit ang likidong disinfectant na produkto para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Basahin ang mga rekumendasyon ng CDC.
Basahin ang List N:Mga Disinfectant na Magagamit Laban sa SARS-CoV-2. (Sa wikang Ingles)
Basahin ang aming infographic kung paano gamitin nang ligtas at mabisa ang mga disinfectant (PDF). (Sa wikang Ingles)
Kailangan ko bang i-disinfect ang isang pampublikong espasyo tulad ng isang tindahan o paaralan. Ano ang kailangan kong alamin?
Mangyari lang basahin ang Guidance for Cleaning and Disinfecting Public Spaces, Workplaces, Businesses, Schools and Homes ,na nilalayon para sa lahat ng mga American—kayo man ay may negosyo, namamahala sa isang institusyon tulad ng paaralan, o nais tiyakin ang kalinisan at kaligtasan ng inyong tahanan.
Ang nabanggit sa itaas na patnubay (na isang pinagsamang pagsisikap ng EPA at ng Centers for Disease Control and Prevention) ay makakatulong sa inyong gumawa ng plano na kung aling mga surface ang kailangan ninyong i-disinfect at alin ang nangangailangan ng regular na paglilinis. Ito ay nagkakaloob rin ng patnubay sa pagpapanatili ng mga pagsisikap nito lumaon.
Mga Propesyonal na Serbisyo sa Paglilinis
Wala alinman sa mga produktong ito sa List N ng EPA ay mga restricted use pesticides (RUP), kaya’t walang mga pederal na kahilingan para sa mga gumagamit na masanay o ma-certify, ni walang mga binibigay na lisensya ang EPA sa mga kompanya na nagkakaloob ng serbisyo sa paglilinis. Gayunman, ang mga kahilingan ng estado para sa training, certification at mga lisensya ay magkaka-iba, kaya’t tiyakin sa inyong estado ang anumang mga lokal na kahilingan.
Ang mga commercial na applicator, tulad ng mga indibiduwal, ay dapat basahin nang mabuti ang List N ng EPA: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19) at sundin ang mga direksyon sa paggamit. Kapag nagdi-disinfect ng mga pampublikong espasyo, pumili ng produkto na magagamit sa mga institutional na setting. Ang mga produkto lamang na nasa List N ng EPA na nakakatugon sa aming kriterya na magagamit laman sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.
Maliban na lang kung ang pesticide na produkto ay tiyak na may kasamang mga direksyon para sa pag-disinfect para sa fogging, fumigation, o wide-area o electrostatic spraying, hindi inirerekumenda ng EPA ang paggamit sa mga pamamaraan na ito sa paggamit ng mga disinfectant. Hindi tinasa ng EPA ang kaligtasan at bisa ng produkto at bisa para sa mga paraan na hindi nakasaad sa etiketa. Mangyaring tandaan na ang EPA ay nagpapabilis ng mga application para magdagdag sa mga direksyon na magagamit sa electrostatic na sprayer sa mga produktong nilalayon na pumatay sa SARS-CoV-2.
Basahin ang aming infographic kung paano gamitin nang ligtas at mabisa ang mga disinfectant (PDF).
Bakit wala sa List N ang mga ozone generator, UV lights o air purifiers? Magagamit ko ba ang mga ito o abg iba pang mga pesticidal device na pumapatay ng mga virus na nagdudulot ng COVID-19?
Heto ang ilang mga halimbawa ng pesticidal na device. Ang pesticidal device ay isang instrument o iba pang machine na ginagamit para patayin, mapalayo, makulong o mapahina ang anumang mga peste, kasama na ang mga bacteria at virus.
Di tulad ng mga chemical pesticide, hindi regular na nire-review ng EPA ang kaligtasan o bisa ng mga pesticidal na device, at samakatuwid ay hindi makukumpirma kung, sa anumang pangyayari, ang nasabing mga produkto ay maaaring mabisa laban sa SARS-CoV-2, ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19. Kung kaya’t, ang List N ay kinabibilangan lang ng mga surface disinfectant na rehistrado ng EPA at hindi kasama ang mga device.
Samakatuwid, ang mga kompanya ay pinapayuhan na magtabi ng mga rekord na nagkukumpirma sa mga claim na ginawa sa mga etiketa ng device/labeling bilang totoo at hindi mapanlinlang. Ang pagbebenta o pamamahagi ng mga pesticidal device na may hindi totoo o mapanlinlang na mga claim tungkol sa kaligtasan o bisa nito ay maaaaring mapasailalim ang seller o distributor ng mga multa sa ilalim ng FIFRA.
Tala: Ang claim na “Pumapatay sa SARS-CoV-2” ay maaaring totoo at hindi mapanlinlang kung saan ang device ay nasuri laban sa coronavirus SARS-CoV-2. Ang “SARS-CoV-2” ay tumutukoy sa isang virus. Ang “COVID-19”ay tumutukoy sa isang sakit at mga sakit na hindi “napapatay.” Samakatuwid, ang claim na “Pumapatay sa COVID-19” ay parating makokonsidera bilang mali at mapanlinlang.
Dapat sundin ng mga consumer ang etiketa ng produkto para sa mga direksyon sa paggamit. Dapat makipag-ugnayan ang mga consumer sa manufacturer o seller ng pesticidal device nang direkta kung mayroon silang anumang mga tanong kung paano gamitin ang produkto, o ang kaligtasan o bisa nito.
Basahin ang Consumer Guide for Pesticide Devices ng EPA para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga regulasyon ng mga device.
Magagamit ko ba ang fogging, fumigation, wide-area, o electrostatic spraying para makatulong na ma-kontrol ang COVID-19?
Maliban na lang kung ang pesticide na produkto ay tiyak na may kasamang mga direksyon para sa pag-disinfect para sa fogging, fumigation, o wide-area o electrostatic spraying, hindi inirerekumenda ng EPA ang paggamit sa mga pamamaraan na ito sa paggamit ng mga disinfectant. Hindi tinasa ng EPA ang kaligtasan at bisa ng produkto at bisa para sa mga paraan na hindi nakasaad sa etiketa.
Ang kaligtasan at bisa ng disinfectant na produkto ay maaaring magbago batay sa paggamit ninyo nito. Kung ang produkto ng pesticide ay walang kasamang mga direksyon sa disinfection para sa paggamit kasama ng fogging, fumigation, wide-area, o electrostatic spraying, hindi ni-review ng EPA ang anumang data kung ang produkto ay ligtas at mabisa kapag ginamit ang mga pamamaraan na iyon.
Inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na linisin ninyo ang nakontaminang mga surface gamit ang likidong disinfectant na produkto para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Basahin ang mga rekumendasyon ng CDC.
Maaari ko bang gamitin ang produkto gamit ang isang paraan na hindi tinukoy sa mga direksyon sa paggamit?
Sa anumang oras na gamitin ninyo ang isang disinfectant na nakarehistro sa EPA, kailangan ninyong basahin ang etiketa ng produkto at sundin ang mga direksyon ,kasama ang paraan ng paggamit o aplikasyon. Ito ang pinakamainam na paraan para matiyak na ang produkto ay ligtas na makakapatay ng mga pathogen na sanhi ng sakit sa tao.
Ang kaligtasan at bisa ng disinfectant na produkto ay maaaring magbago batay sa paggamit ninyo nito. Kung ang etiketa ng disinfectant na produkto ay walang kasamang mga direksyon para sa disinfection para sa ilang mga paraan ng paggamit o aplikasyon, walang na-review ang EPA na anumang data kung ang produkto ay ligtas at mabisa kapag ginamit sa ganitong paraan.
Tinitiyak sa regulatory na proseso ng EPA na ang lahat ng mga nakarehistrong disinfectant na produkto na legal na binenta sa Estados Unidos ay may kasamang mga direksyon sa paggamit na, kung sundin, mapapahintulutan ang isang produktong magawa ang nilalayon nitong tungkulin nang hindi nagreresulta sa di makatuwirang salungat na epekto sa kapaligiran.
Bago gamitin ang isang produkto, parating basahin ang etiketa nito at sundin ang mga instruksyon, kasama ang paraan ng paglalagay o aplikasyon.
Basahin ang aming infographic kung paano gamitin nang ligtas at mabisa ang mga disinfectant (PDF).
III.Regulasyon
Ano ang proseso para sa aprubasyon ng EPA sa mga disinfectant na produktong may kaugnayan sa COVID-19?
Nire-review at inirerehistro ng EPA ang mga antimicrobial pesticide, na kabilang ang mga disinfectant para magamit sa mga pathogen tulad ng SARS-CoV-2, ang coronavirus na sanhi ng COVID-19. Hangad ng EPA na pabilisin ang pagre-review at aprubasyon ng mga viral disinfectant, kasama na ang vago at kasalukuyang nakarehistrong mga produktong magagamit bilang tugon sa COVID-19. Sa sandaling narehistro na, ang mga ito ay idagdagdag sa List N ng EPA: Mga Disinfectant na Magagamit Laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19), na nagpapakita ng mga produkto na mabisa laban sa COVID-19.
Kung mayroon kayong antimicrobial na produktong nilalayon na magamit laban sa COVID-19, mangyaring sumangguni sa aming gabay para sa pinabilis na pagre-review para sa bago at narehistrong mga produkto. Ang EPA ay nagpapabilis ng mga application para magdagdag sa mga direksyon na magagamit sa electrostatic na sprayer sa mga produktong nilalayon na pumatay sa SARS-CoV-2. Lubos pang alamin ang tungkol sa pagdadagdag ng electrostatic spray application na mga direksyon sa paggamit sa antimicrobial product na pagrerehistro.
Kung nais ninyong magparehistro ng bagong pesticide (kasama ang mga disinfectant), mangyaring basahin ang Pesticide Registration Manual, isang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para doon sa nais na mairehistro ang kanilang mga pesticide na produkto para maibenta sa Estados Unidos: Dagdag pa dito, ang impormasyon kung ano ang kailangang kasama sa etiketa ng pesticide ay matatagpuan sa Pesticide Label Review Manual. Kung may mga tanong pa kayo makalipas na ma-review ang mga manual, iminumungkahi ng EPA na ikonsidera ng mga nagpaparehistro na gamitin ang serbisyio ng isang pesticide regulatory consultant, na mahahanap ninyo sa pamamagitan ng paghahanap sa internet. Inirerekumenda namin na maghanap ng kahit man lang tatlong mga reference.
Ang mga kompanya na may pending na pagsusumite ay maaaring makipag-ugnayan sa EPA sa pamamagitan ng email gamit ang kanilang CDX tracking number para humiling ng update sa status ng kanilang pagsusumite.
Mayroon bang mga pagbabago sa pagrerehistro ng mga disinfectant sanhi ng COVID-19?
Sa isang pederal na level, ang EPA ay nagpapabilis sa pagre-review sa mga disinfectant na karapat-dapat para makasama sa List N.
Kahit na ang Federal Insecticide, Fungicide, and Rodenticide Act (FIFRA)) ng EPA ay hindi namamahala sa proseso na nagpapahiwatig ng paggamit sa nakarehistrong mga pesticide na produkto, ang EPA ay nakikipag-usap sa mga state regulator hinggil sa pagpaparehistro ng mga disinfectant. Alam ng EPA na maraming mga estado ang nagtatrabaho para mapabilis ang kanilang mga pagre-review at aprubasyon ng bagong mga produkto sa List N, na pumapaloob sa mga limitasyon ayon sa kahilingan ng estado.
Ang website ng EPA ay may listahan ng mga produkto na kilala bilang “List N” na nakakatugon sa kriterya ng EPA para sa paggamit laban sa SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19. Ina-update ng EPA ang listahang ito nang regular bilang karagdagang kriterya para maisama ay naidagdag at na-review ang mga produkto. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang List N ng EPA: Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19).
Kailangan ko bang irehistro ang mga disinfectant na produkto sa EPA para ma-import ang mga ito?
Ang mga disinfectant tulad noong nasa List N ay dapat nakarehistro sa EPA bago maaaring ma-import, mabenta, ma-market, o ma-distribute ang mga ito sa Estados Unidos, ang mga ito man ay nakarehistro sa ibang bansa.
Ang Office of Enforcement and Compliance Assurance ng EPA ay may imporasyon sa Pag-import at Pag-export ng Mga Pesticide at Device. Para sa mga tiyak na tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa EPA regional office na sumasakop sa area kung saan isasagawa ang pag-import. Ang suportado ng EPA na Import/Export Compliance Assistance Center ay nagkakaloob ng mga maiksing pagpapaliwanag at link sa EPA at Customs at Border Protection na impormasyon tungkol sa pag-import ng mga pesticide. Ang mga karagdagang impormasyon sa pag-import at pag-export ng mga pesticide ay matatagpuan rin sa website ng EPA. (Sa wikang Ingles)
Hindi, di binibigyan ng lisensya ng EPA ang mga kompanya na nagkakaloob ng serbisyo ng paglilinis. Gayunman, ang mga kahilingan ng estado para sa training, certification at mga lisensya ay magkaka-iba, kaya’t tiyakin sa inyong estado ang anumang mga lokal na kahilingan.
Ang EPA ba ay magsasagawa ng kilos laban sa mga kompanya na mali ang mga claim na gumagana ang kanilang mga disinfectant laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19)?
Oo, ang EPA ay awtorisado na kumilos para maiwasan ang pagbebenta o distribusyon ng mga disinfectant dahil sa mali o nakakapanlinlang na mga claim sa kanilang etiketa. Awtorisado rin ang EPA na kumilos para maiwasan ang pagbebenta o distribusyon ng di nakarehistrong mga disinfectant kapag ang seller o distributor ay may mga pag-aankgin na sila ay nagtatrabaho laban sa SARS-CoV-2 (ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19) at para maiwasan ang pagbebenta o distribusyon ng mga nakarehistrong pesticide na hindi pinapahintulutan na mag-claim laban sa SARS-CoV-2 ayon sa mga tuntunin ng kanilang pagpaparehistro.
Sanhi ng patuloy na nagaganap na pandemic, nababahala ang EPA sa mga pesticide na produkto na nakakapasok sa Estados Unidos, o ginawa, na-manufacture o napamahagi sa Estados Unidos, na nag-aangkin na nakakatugon sa mga epekto ng COVID-19. Pagtutuunan ng pansin ng Agency ang pagtitiyak sa pagsusunod sa mga naaangkop na kahilingan sa mga produktong ito para matiyak ang proteksyon ng pampublikong kalusugan.
Ang Federal Insecticide, Fungicide and Rodenticide Act (FIFRA) ang namamahala sa pagrerehistro, distribusyon, pagbebenta at paggamit ng pesticides, na kabilang na ang mga disinfectant, sa Estados Unidos. Ipinagbabawal ng FIFRA ang pagbebenta o distribusyon ng mga pesticide na di nakarehistro, misbranded (hal. ang etiketa ay kulang sa mga hinihiling na elemento tulad ng mga babala, mga direksyon sa paggamit, pahayag sa mga ingredient, o may mali o nakakapanlinlang na mga claim, atbp.), at ang pagbebenta o distribusyon ng mga nakarehistrong pesticide na nag-aangkin na malaki ang pagkakaiba mula doon sa mga pinahihintulutan sa ilalim ng mga tuntunin ng kanilang pagpaparehistro. Ipinagbabawal rin ng FIFRA ang pagbebenta ng misbranded na mga pesticide device.
Ang EPA at ang mga kapartner nito sa estado ay nagbabantay sa mga nauugnay na aktibidad na tinukoy bilang labag sa batas sa ilalim ng section 12 ng FIFRA. Nagaganap ang pagbabantay sa pamamagitan ng pag-screen sa mga produkto na nilalayon para ma-importa sa Estados Unidos, pag-i-inspeksyon sa iba’t ibang mga lokasyon na may kaugnayan sa distribusyon at paggamit, at pati na rin ang pag-follow up sa mga tip at reklamo. Karaniwang ipinapatupad ng EPA ang FIFRA sa pamamagitan ng mga stop-sale order at mga penalty action na awtorisado sa ilalim ng mga section 13 at 14.
Kamakailan ay ipinahayag ng EPA na pinapalawak nito ang pagre-review nito sa mga kahilingan mula sa mga nagpaparehistro alinsunod sa Emerging Viral Pathogens Guidance for Antimicrobial Pesticides ng Agency. Ang patnubay na ito ay nagbibigay daan sa mga nagpaparehistro na mag-claim sa off-label na mga komunikasyon na maaaring magamit ang kanilang mga narehistrong disinfectant laban sa viral na mga pathogen tulad ng human coronavirus.
Sa sandaling naaprubahan na ang mga claim, maaaring gawin ang mga ito para sa disinfectant sa off-label na materyal lang, tulad ng technical literature na ipinapamahagi sa mga health care na pasilidad, mga doktor, mga nars, o opisyal sa pampublikong kalusugan, mga website na walang kinalaman sa etiketa, mga serbisyo ng impormasyon sa consumer, at sa mga social media site. Walang anuman sa pinabilis na pagre-review na ito ang nag-aalis sa pangangailangan na sumunod sa FIFRA.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pinakahuling advisory sa mga produkto na nag-aangkin na pumapatay sa novel coronavirus mula sa Office of Enforcement and Compliance Assurance ng EPA
Ano ang isang emerging viral pathogen claim?
Kinikilala ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ang “emerging infectious diseases/pathogens” bilang iyong mga “may bagong naipakitang populasyon o mayroon na pero mabilis na dumarami ang mga pangyayari o geographic na saklaw.”
Ang marami sa mga emerging pathogens na pinaka-ikinababahala ay ang mga pathogenic viruses. Kung gaano tumatagal ang mga virus na ito sa surfaces ay may malaking tungkulin sa paglilipat ng sakit. Ang SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19, ay isang pathogenic virus.
Dahil ang pagkakaroon ng emerging viral pathogens ay hindi masyado karaniwan at hindi masyado mapre-predict kaysa sa mga natatag nang pathogen, ang ilan kung mayroon mang mga EPA registered na disinfectant product na etiketa ay tinitiyak ang paggamit laban sa kategoryang ito ng mga nakakahawang agent. At kung gayon, noong taong 2016, ang EPA ay nagkaloob ng isang boluntaryo at two-stage na proseso para mapagana ang paggamit ng ilang mga EPA registered disinfectant na produkto laban sa emerging viral pathogens na hindi nakilala sa etiketa ng produkto.
Maaaring mag-apply ang isang kompanya para sa emerging viral pathogen na claim, kahit bago pa maganap ang isang outbreak, batay sa nakaraang mga naaprubahang claim ng EPA para sa mas mahirap mapatay na mga virus.
Nirerepaso ng EPA ang nagsusuportahang impormasyon at nagpapasya kung ang claim ay matatanggap. Sa sandaling maaprubahan, ang isang kompanya ay maaaring magsagawa ng mga off-label claim tulad nang natiyak sa patnubay na iyon sa kaganapan ng isang outbreak tulad ng SARS-CoV-2 (COVID-19). Halimbawa, ang isang paunang naaprubahang kompanya ay maaaring magsama ng ilang mga pahayag tungkol sa inaasahang bisa sa:
- technical literature na ipinamamahagi sa mga health care facility, mga doktor, mga nars, at mga opisyal sa pampublikong kalusugan;
- mga website na walang kaugnayan sa label;
- mga serbisyo ng impormasyon sa consumer; at
- mga social media site.
Ang patnubay ng EPA sa emerging viral pathogen ay napasimulan sanhi ng SARS-CoV-2 noong Enero 29, 2020. Ang ganitong uri ng human coronavirus ay isang enveloped virus, na nangangahulugan na ito ay isa sa pinakamadaling uri ng virus na mapapatay. Ang mga produktong may human coronavirus claims pero wala ang emerging viral pathogen na claim ay hindi maaaring gumamit ng parehong marketing claim sa mga materyal na ito na nakalista sa itaas.
Bakit hindi nakalista ang mga hand sanitizer sa List N?
Kabilang lang sa List N ang mga EPA registered na surface disinfectant. Ang mga hand sanitizer, antiseptic wash at antibacterial soaps ay nire-regulate ng Food and Drug Administration (FDA). Ang mga EPA registered na surface disinfectant, kasama na ang mga surface wipes, ay hindi dapat gamitin sa inyong balat o matikman o makain. Mas maraming impormasyon ang available sa websit eng FDA.
Ano ang kaibahan sa pagitan ng mga produktong nagdi-disinfect ,nagsa-sanitize at naglilinis ng mga surface?
Sa EPA, ang mga produktong ginagamit para patayin ang mga virus at bacteria sa mga surface ay nakarehistro bilang antimicrobial pesticides. Ang mga sanitizer at disinfectant ay dalawang uri ng antimicrobial pesticides. Nire-regulate ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga hand sanitizer, antiseptic wash, at antibacterial soaps na magagamit sa mga tao. Ang impormasyon sa FAQ na ito ay hindi magagamit sa anumang mga produkto na ginagamit para sa tao.
Ang Surface disinfectant products ay sumasailalim sa mas maraming mahihigpit na pagsusuri ng EPA ayon sa kahilingan nito at dapat na makatugon sa mas mataas na level ng bisa kaysa sa surface sanitizing na mga produkto. Walang sanitizer lang na mga produkto na may naaprubahang mga claim sa virus. Sa kadahilanang ito, ang mga sanitizer ay karaniwang hindi kuwalipikado na isama sa List N ng EPA. Mga Disinfectant para Magamit Laban sa SARS-CoV-2 (COVID-19). (Sa wikang Ingles)
Maraming mga produkto na nakarehistro sa EPA bilang parehong sanitizer at disinfectant dahil nasuri ang mga ito na magagamit ayon sa parehong standards. Ang mga produktong ito ay karapat-dapat na masama sa List N ng EPA dahil sa kanilang mga disinfectant claim. Kapag ginagamit ang mga produktong ito, sundin ang mga instruksyon para sa virucidal disinfection, at mainam na bantayan ang oras ng kontak, kung gaano katagal dapat manatiling basa ang surface. Minsan ay tumatagal ito ng ilang mga minuto.
Ang mga cleaning product (produktong panlinis) ay dapat nakarehistro sa EPA kung may pesticidal o disinfection claim ang mga ito sa etiketa nila, tulad ng pagkokontrol sa isang pest, bacteria o virus.
Basahin ang aminginfographic kung paano gamitin nang ligtas at mabisa ang aming mga disinfectant (PDF).