Nagpalabas ang EPA ng Listahan ng mga Disinfectant na Magagamit Laban sa COVID-19
[Translation of EPA News Release: EPA Releases List of Disinfectants to Use Against COVID-19]
03/05/2020
WASHINGTON—Ngayon, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagpalabas ng isang listahan ng mga nakarehistro sa EPA na produkto ng disinfectant na kuwalipikado para magamit laban sa SARS-CoV-2, ang novel coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.
“Ang paggamit ng wastong disinfectant ay mahalagang parte ng pag-iiwas at pagbabawas sa pagkalat ng mga sakit kasama ng iba pang mga kritikal na aspect tulad ng paghuhugas ng kamay,” sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler. “Walang mas mataas pang priyoridad para sa Trump Administration kaysa sa pagpoprotekta ng kalusugan at kaligtasan ng mga Amerikano. Ipinagkakaloob ng EPA ang mahalagang impormasyong ito sa isang pampubliko at malinaw na paraan sa mga produkto ng disinfectant para makatulong na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.”
Ang mga produktong ipinapakita sa listahan ng EPA par sa nakarehistrong disinfectant na mga produkto ay kuwalipikadong gamitin laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng programa ng ahensya na Emerging Viral Pathogen. Ang programang ito ay nagpapahintulot sa mga manufacturer ng produkto na magbigay sa EPA ng mga data, kahit na pauna sa isang outbreak, na ipinapakitang ang kanilang mga produkto ay mabisa laban sa mahirap patayin na mga virus kaya sa SARS-CoV-2. Pinapahintulutan din nito ang karagdagang mga komunikasyon na nilalayon na bigyang impormasyon ang publiko tungkol sa paggamit ng mga produktong ito laban sa emerging pathogen sa pinakamabilis na paraan.
Ang mga coronavirus ay mga enveloped na virus, na nangangahulugan na ang mga ito ay ang mga pinakamadaling uri ng virus na mapapatay gamit ang naaangkop na disinfectant na produkto. Ang mga consumer na gumagamit ng mga disinfectant na ito sa isang emerging virus ay dapat sumunod sa mga direksyon sa paggamit na nasa pangunahing etiketa ng produkto, na maingat na pinapansin ang oras ng kontak para sa produkto sa ginamot na surface (hal. gaano katagal dapat manatili ang disinfectant sa surface).
Para basahin ang listahan ng mga produkto ng disinfectant na nakarehistro sa EPA, bumisita sa www.epa.gov/pesticide-registration/list-n-disinfectants-use-against-sars-cov-2
https://www.epa.gov/lep/listahan-n-mga-disinfectant-na-magagamit-laban-sa-sars-cov-2
Background:
Ang Emerging Viral Pathogen Guidance ng EPA ay binuo at natapos noong taong 2016 para mapahintulutan ang mabilis na pagtugon sa kaganapan ng isang emerging viral pathogen outbreak. Ito ay nag-udyok sa unang pagkakataon ng SARS-CoV-2 noong Enero 29, 2020. Ibinabalangkas sa patnubay ang isang kusa at paunang naaprubahan na proseso para sa pagsasagawa ng mga claim sa emerging viral pathogens. Sa kaganapan ng isang outbreak, ang mga kompanya na may paunang naaprubahang mga produkto ay maaaring magsagawa ng mga off-label na claim (halimbawa, sa teknikal na pananalita, mga website na walang kinalaman sa etiketa, at social media) para magamit laban sa outbreak ng virus.