Patuloy ang Pagsisikap ng EPA para Maparami ang Availability ng Mga Disinfectant Product para Magamit Laban sa Novel Coronavirus
04/14/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay gumawa ng mga karagdagang pagkilos para matiyak na available ang mga ligtas at mabisang disinfectant na produkto sa publiko ng America para makatulong na malabanan ang pagkalat ng COVID-19. Bilang pagtugon sa mga ulat ng kakulangan ng mga active ingredient na ginagamit sa mga surface disinfectant na mabisa laban sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, pansamantalang pinapahintulutan ng EPA ang mga nagparehistro na abisuhan ang EPA ng ilang mga formulation at manufacturing facility ng mga pagbabago at agad na ipalabas ang produkto para mabenta nang hindi hinihintay ang aprubasyon ng EPA.
“Wala nang mas nangunguna pang priyoridad para sa Trump Administration kung hindi ang pagpoprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga American,” sabi ni Assistant Administrator para sa Office of Chemical Safety and Pollution Prevention na si Alexandra Dapolito Dunn “Kinikilala ng EPA ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng ahensya sa pagpoprotekta ng pampublikong kalusugan at ang kapaligiran at tiyakin na ang mga American ay patuloy na magkakaroon ng access sa mabisa at naaprubahang mga disinfec na makakatulong na labanan ang pagkalat ng COVID-19. Ang mga flexibility na ipinagkakaloob namin sa pansamantalang pagbabago sa patakaran ngayon ay makakatulong na matiyak na ang mga American ay may access sa mga produkto na kailangan nila para protektahan ang kanilang mga pamilya habang nangyayari ang emergency sa pampublikong kalusugan.”
Ang mga kilos ngayon ay nababatay sa pansamantalang pagsusog ng EPA sa Pesticide Registration (PR) Notice 98-10 na ipinahiwatig noong Marso 31, 2020. Bukod sa iba pang mga pagbabago, ang pansamantalang pagsusog ngayong linggo sa PR Notice 98-10 ay nagpapahusay sa proseso ng pagdadagdag ng mga karagdagang nakarehistrong source para sa mga active ingredient sa isang formulation at pag-set up ng isang naaprubahang pesticide manufacturing establishment. Ang pinahusay na flexibility ngayon ay nagpapahintulot sa (List N) List N: Mga Disinfectant na Magagamit Laban sa SARS-CoV-2na may mga nakarehistrong source ng mga active ingredient na maaaring i-manufacture doon sa mga establishment nang walang paunang aprubasyon mula sa EPA. Mapapataas nito ang flexibility sa supply chain, na tinitiyak na ang mga produkto ay mabisa laban sa novel coronavirus na mas mabilis na magiging available sa publikong American—at sa mas maraming mga bilang—na kung saan ay napapanatili ng lahat ng mga ito ang kalidad at kaligtasan ng produkto.
Ang mga pagbabago na pinahihintulutan sa pamamaggitan ng abiso ng kilos na ito ay hindi magreresulta sa anumang mga malalaking pagbabago sa panghuling pesticide formulations na naaprubahan na ng EPA. Ang pagiging mabisa ng mga produktong ito ay hindi maaapektuhan at ang kasalukuyang pag-iingat na etiketa ng mga produkto ay mananatiling protektibo. Samakatuwid, ang pagkilos na ito ay hindi magdudulot ng anumang di makatuwirang salungat na epekto sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.
Ang pansamantalang pagsusog ay kinabibilangan ng pamamaraan para sa pagsusumite ng mga abiso para sa mga nagpaparehistro at matatagpuan rin sa EPA website (sa wikang Ingles).
Regular na tatasahin ang EPA ang pangangailangan para sa pansamantalang pagsusog na ito at magsasagawa ng mga update kung kinakailangan ang mga pagbabago. Sa sandaling natiyak ng EPA na wala nang kailangan na pagbabago sa patakaran, maagang ilalagay ng ahensya ang pagwawakas nitong pansamantalang pagsusog ng hindi mas kakaunti sa pitong araw sa: www.epa.gov/pesticides (sa wikang Ingles).
At, nitong huling linggo, nagdagdag ang EPA ng mga bagong produkto sa List N, na may total na ngayon na 370. Ang mga bagong idinagdag ay makikita sa pamamagitan ng pag-aayos ng List N ayon sa “Date Added (Petsa nang Idinagdag)” na hilera.
Nagdagdag rin ang EPA ng siyam na karagdagang mga kemikal sa listahan ng commodity inert na ingredient nito. Ang pagkilos na ito ay nilalayong makatulong sa pagtugon sa mga isyu sa supply chain para sa nakarehistro sa EPA na mga disinfectant at iba pang mga pesticide sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga manufacturer ng nakarehistro na sa EPA na produkto na baguhin ang source ng supplier ng nakalistang mga inert na ingredient.
Para higit pan matutunan ang mga pagsisikap ng ahensya na mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, bumisita sa: www.epa.gov/coronavirus.
Para higit pan matutunan ang mga pagsisikap ng ahensya sa ibang wika na mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, bumisita sa: www.epa.gov/lep .