Paghahamon para sa Malinis na Hangin sa Mga Gusali
Gabay para Makatulong sa Mga May-ari ng Gusali at Mga Operator na Mapahusay ang Kalidad sa Panloob na Hangin at Maprotektahan ang Kalusugan ng Publiko
Ang “Clean Air in Buildings Challenge” ay isang paghihikayat sa mga tao na kumilos at isang detalyadong pangkat ng mga prinsipyong gumagabay at kilos para makatulong sa mga may-ari ng gusali at operator na mabawasan ang mga panganib mula sa mga nasa hangin (airborne) na virus at iba pang mga contaminant sa looban. Ang Clean Air in Buildings Challenge ay nagbibigay diin sa maraming mga rekumendasyon at mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na available para mapahusay ang ventilation at kalidad ng hangin sa looban, na makakatulong para mas maprotektahan ang kalusugan ng mga namamalagi sa gusali at mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19.
Ang mga pangunahing kilos na binigyang detalye sa Clean Air in Buildings Challenge ay kinabibilangan ng:
- Gumawa ng plano ng pagkilos para sa malinis na hangin sa looban,
- Pahusayin ang ventilaton ng sariwang hangin,
- Pahusayin ang filtration ng hangin at paglilinis, at
- Gawing bahagi ang komunidad, komunikasyon at edukasyon.
Habang inirerekumenda namin na ang mga pagkilos ay hindi ganap na maaalis ang mga panganib, mababawasan ang mga ito. Ang mga nakakahawang sakit tulad ng COVID-19 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng paglanghap ng mga airborne na particle at aerosol. Dagdag pa sa balangkas ng mga estratehiya sa pag-iiwas, tulad ng pagbabakuna, ang pagsuot ng mga mask at paglalayo mula sa iba (social distancing) para mabawasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit tulad ng COVID-19, mga magagawa para mapahusay ang ventilation, filtration at iba pang mga napatunayang estratehiya sa paglilinis ng hangin, ay makakabawas sa panganib ng pagkakalantad sa mga particle, aerosol, at iba pang mga contaminant, at mapapahusay ang kalidad ng hangin sa looban at kalusugan ng mga namamalagi sa gusali.